Masaya ako dahil this weekend nakauwi ako at nakasama ko pamilya after almost a month ng hindi pag-uwi. Problema lang, akala ko magagawa kong masaya ang weekend na to. Kaso, bad things happen even if you planned for things to work out well.
Birthday ni mama. Kala ko enough na na mabigyan ko siya ng gift na hindi cheap syempre, and malibre siya ng party. Yun talaga gusto ko. Sa gift. I was quite successful. Sa handa hindi gaano. Kung sa b-day lang ni mama, palagay ko ok naman.
Ang problema lang, lumapit kapatid ko kanina, which he doesn’t usually do. Nangungutang. Wala ako naiabot. I was devastated. Bakit ganon? Hindi ko siya matulungan kung kelan kailangan niya tulong ko?
Nakakapikon. Siguro naaasar lang ako sa sarili ko. Grabe kasi ako kung gumastos sa pagkain, sa kung anu-anong kaartehan na di ko naman nagagamit talaga ng matagalan. Minsan, ang kaya bilhin for me ng 300 ay isang meal lang. Minsan nga lagpas pa sa 300 ang isang meal. Dalawang libo lang inuutang niya di ko nabigay. Bakit? Dahil kulang na ang pera na I allotted for myself for the rest of the week. 6 na meals ko lang inuutang niya, di ko pa nabigay.
Nakakadepress. Sobrang lakas ko gumastos. Sobrang di ko pinapahalagahan ang pera. Tapos, sa ibang tao, yung perang ginagastos ko sa pagkain malaki na ang halaga. Tapos tinapon ko lang sa pagkain. Dalawang libo lang di o mabigay. Naiinis ako sa sarili ko. How could I let something like this to happen.
Grabe lang din ma-realize na sa ganitong paraan ko malalaman kung ano ang ibig sabihin ng mga katagang value for money. Pwede naming natutunan ko nay an nung nasa school pa ako. Pero hindi, sa ganitong sitwasyon pa talaga. Nakakaasar isipin na yung bagay na mahalaga sa ibang tao, hindi ko pinahalagahan. Hindi ko tuloy siya natulungan.
How could I be this stupid?