Minsan ang labo lang. Kung kelan naging mas ok kalagayan mo, saka mo na-rerealize na meron din palang mga bagay na mas ok nung nasa worse ka na sitwasyon.
Tulad ngayon. Naalala ko lang nung nasa panget ako na work, nung sobrang baba ng sweldo ko. Mas magaling ako humawak ng pera non e. Dati, alam ko kung saan pa napupunta ang pera ko. Ngayon hindi na.
Hindi ko naman hinihingi na bumalik ako sa dating sitwasyon. Gusto ko lang maalala kung pano humawak ng pera. Yung tipong hindi ko tinatapon sa kung saan-saan.
Siguro madami lang akong problema ngayon kaya ganito mga bagay na iniisip ko. Ang labo lang kasi. Dati kayak o pagkasyahin ang 2k sa dalawang lingo. Ngayon di ko alam kung pano ko yun gagawin sa kahit na isang lingo lang.
Haaay…. Bakit ba kasi hindi na lang ako naging mayaman? E di sana natutulungan ko pamilya ko ng walang problema. Sana natutulungan ko sila nang hindi ako nawawalan.
Ang hirap naman kasi. Minsan, hindi mo kayang sabihin na wala ka kasi mas kailangan nila.
bat kasi may mayaman at mahirap pwede namang wala…