Kelan ka nga ba dapat tumigil magmahal? Kung nag-give up nab a yung partner mo dapat mag-give up ka na din? Kung naattract na siya sa iba dapat ba unahin mo na lang ang pride mo at i-give up mo na lang siya sa taong nagustuhan niya?
Ito ang mga tanong na gusto ko makakuha ng sagot. Ang hirap magdesisyon kung sigurado ka sa sarili mo sa nararamdaman mo, and yet the facts say that baka mali nang maramadaman pa ang mga nararamdaman mo.
Kelan mo nga ba dapat isipin na mahal mo pa siya? At hanggang anong sakit ang dapat mo kayanin bago ka bumitaw?
Di ko alam kung kaya ko pa. Ang alam ko lang gusto ko kayanin ang lahat. Naniniwala ako na hindi by chance ang pagkakakilala natin sa mga tao. Kahit sa mga kaibigan, they were destined to be a part of your life long before you were born.
Kung papakinggan mo yung mga kanta, parang ang dali lang na maghintay sa taong iniwan ka. Gaya nung “The Man Who Can’t Be Moved.” Parang ang dali lang na maghintay para sa taong mahal mo. Parang ang dali lang na hintayin mo siyang bumalik. Saka yung kanta na may lyrics na “huwag mangamba, hindi kita paghahanapan pa, ng anumang kapalit ng inalay kong pag-ibig.” Parang ganon lang kadali.
Gusto kong kayanin maghintay. Gusto ko isipin na babalik pa siya. Gusto ko sabihin niya na mahal niya ako at gusto niya ko makasama, at di niya ko kaya mawala gaya ng nararamdaman ko para sa kanya. Kaso natatakot ako na sabihin niya na ayaw na niya. Ang hirap sobra. Ayaw ko bumitaw pero ang hirap humawak.
Sabi nga ng kanta, “how can I move on when I’m still in love with you?”
Ma-rerealize mo nga lang kung gano ka-importante sayo ang isang tao pag wala na siya sayo.
Sana bukas paggising ko, tayo na uli.